Albie Casino sa love life ni Andi Eigenman: Wala kong pakialam"


Ibinunyag ni Albie Casino na wala umano siyang pakialam sa buhay pag-ibig ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenman.

Photo Courtesy: @thestallion09 on Instagram 

Sa panayam ng Philstar sa actor, sa recent press conference sa kanyang new series na "Can't Buy Me Love, ay natanong sa kanya kung gusto pa ba niyang makatrabaho si Andi. "Yon hindi. I can go the rest of my life without having to deal with that" sabi ng actor 


(ads)


Ayon pa sa actor nang tanungin siya kung napatawad na ba niya si Andi: "Never kaming nag-usap. I guess at this point of my life hindi ko na iniisip 'yon e. Hindi ko na binibigyan ng energy 'yon," 


Sa tanong naman kung happy ba siya ngayon sa buhay pag-ibig ni Andi ay sinabi niya na: "I don't need to say it like this pero wala talaga kong pakialam e. It doesn't bother me, I don't think about it," 


 
 Si Albie Casino na may tunay na pangalan na Alan Benedict Lee Hernandez Casiño, ay isang  kilalang aktor sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang career noong 2008 nang maging bahagi siya ng Star Magic Circle Batch 13. Ang kanyang unang break ay nang maging bahagi siya ng mga teleserye tulad ng "Katorse" at "Tanging Yaman." Naging tanyag siya sa kanyang pagganap sa "Mara Clara," kung saan ginampanan niya ang karakter ni Christian. Mula noon, patuloy na nagtagumpay si Albie sa kanyang showbiz career, kasama ang iba't-ibang teleserye at pelikula. Ipinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte, at patuloy na nagpapamalas ng galing sa industriya ng showbiz.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form