Kyla: "Feeling ko 'pag naririnig ko yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro.."


Di mapigilang maging emosyonal ni Kyla nang maikwento niya ang kanyang nararamdaman tuwing umuulan.

Photo Courtesy: Ogie Diaz YouTube 

Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, ay naibahagi ni Kyla ang kanyang nararamdaman tuwing umuulan. "Pag umuulan po. Feeling ko 'pag naririnig ko yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro... Nandiyan lang 'yung mga anak ko. Nariirnig ko sila sa mga raindrops... Parang feeling ko footsteps nila 'yun. tumatakbo sila." 


(ads)


Naibahagi rin ni Kyla, ang kanyang nararamdaman sa tuwing siya ay ma-kunan. Matatandaan na maka-ilang beses nang nakunan ang singer. "Everytime na nagmi-miscarriagĂ© ako, gusto kong mag-give up. Ayokong gumalaw, ayokong lumabas, ayokong may kausap, ayaw ko ng tao. Ayaw kong magtrabaho. Wala akong gana." 


Sa kabilang banda, inamin ni Kyla na gusto nila sanang magkaroon ng maraming anak. "Kasi gustong-gusto ko talaga ng maraming anak. Mahilig po ako sa bata e. Gustong-gusto ko po yung nagbibigay ng pagmamahal lalo na sa anak. Feeling ko kasi I have so much to give. In my heart, naglo-long pa rin ako for another kid. Gusto ko pa rin talaga na mabigyan ng kapatid si Toby. Pero sabi ko, kung gusto talaga ni Lord na i-bless kami with another baby, feeling ko kahit walang treatment." 

 
Si Kyla ay isang premyadong mang-aawit sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera noong dekada '90. Isa siyang produkto ng talent search na "Ang TV Kid" ng ABS-CBN, at mula roon ay naging bahagi ng Star Magic. Sa kanyang mga unang taon, naging bahagi siya ng all-female group na "Krystala." Si Kyla ay pumirma sa Polyeast Records at unti-unti ay naging isa sa mga nangungunang R&B artists sa bansa. Kilala siya sa mga hit songs tulad ng "Hanggang Ngayon" at "Buti Na Lang." Sa kasalukuyan, patuloy siyang nagsusulong ng musika at may mga album at concerts na patuloy na nagpapakitang-gilas sa industriya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form