Anji Salvacion nagreact na sa pambabatikos ng kanyang natanggap kaugnay sa performance niya sa Linlang


Nagreact na rin sa wakas ang actress na si Anji Salvacion kaugnay sa pambabatikos na kanyang natanggap kaugnay sa performance niya sa hit digital series na Linlang. 

Photos: _anjisalvacion_/Instagram 

Maalala na kamakailan lang ay naglabas ng saloobin si Ogie Diaz sa performance nina Anji at Kice sa "Linlang" . Sa report ng ABSCBN News, ay nagpaliwanag si Anji na umanoy may mga eksena na hindi nasama sa Prime Video. 


(ads)


"Before that scene, may mga scene pa 'yun na hindi (nasama) sa Prime (Video) kasi may limited din na time sa Prime"paliwanag ni Anji 


Ayon pa kay Anji hindi na raw nila pinatulan ang mga basher:  "I was there to call my Sunshines na huwag na nating patulan kasi at the end of the day, 'di naman natin sila kilala. They are just there to judge us and all. Actually, ang gagaling ng bashers, na-connect nila 'yung tweet ko sa sinabi ni Mama (Ogie). Wala naman akong sinabing ganoon kay Mama (Ogie)," 


Ito naman ang naging sagot ni Anji sa mga kritisismo na kanyang natanggap: "Ang hirap kasing mag-explain and I don't wanna prove myself to anyone kasi at the end of the day, may mga tao na they believe what they believe in and we cannot change their minds in their close-minded. Just let them be, I don't talk anymore. I just let them talk and talk and I'm just here gonna do my thing"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form