Direk Brillante Mendoza may pinasaringan: "Baket nagpapasalamat kay Lord kapag na-invite sa ball?"


Sino kaya ang pinasaringan ng Direktor na si Brillante Mendoza?


Ito ngayon ang tanong ng netizens matapos magpost si Direk Mendoza sa kanyang facebook ng isang tanong kung "baket nagpapasalamat kay Lord kapag na-invite sa ball?"


(ads)


“Honest question… baket nagpapasalamat kay Lord kapag na-invite sa ball? Religious gathering ba ang ball?”sabi ni Mendoza sa kanyang Facebook post


Photo screengrab from Pep.ph

Wala naman siyang tinutukoy kung anong klaseng Ball ito at wala rin siyang tinutukoy na tao. Ngunit palaisipan ito ngayon dahil kamakailan lang naganap ang ABSCBN Ball. 


(ads)


Sa post din kasi ni Baron kamakailan ay pinapasalamatan niya ang Panginoon dahil matapos ang 14 years na di nakadalo sa ABSCBN Ball ay na-imbitahan na siya ulit.


 “It has been more than a decade since I was invited to the ABS-CBN Ball due to my bad behaviour during the previous ones. Now, I am humbled and grateful that they welcome me back with open arms"sabi ni Baron 


Sa kanyang bagong post naman matapos ang nasabing ball ay nagpapasalamat din siya sa Panginoon. “Forever Grateful for your never-ending grace and mercy Abba, Father!" sabi ni Baron 


Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Isinilang noong June 5, 1982, siya ay sumiklab sa kamalayan ng publiko sa kanyang mga makulay na pagganap sa mga proyektong tulad ng "Tabing Ilog" at "Oka Tokat." 


Ngunit, kasama ng kanyang tagumpay sa larangan ng sining, may mga kontrobersiya rin siyang kinaharap, kabilang ang mga insidente ng kaguluhan at alak. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay, tinutukan ni Baron ang pagbabago at pagpapabuti ng kanyang sarili. 


Nagpapakita siya ng pagsisikap na magbagong-buhay at magbigay-inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng pagiging malasakit sa mental health awareness. Sa kasalukuyan, patuloy siyang nagpapakita ng kanyang talento at dedikasyon sa sining.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form