Cherry Pie Picache sinasabing naaawa siya kay Coco Martin

 

Tapat na inamin ni Cherry Pie Picache na naawa raw siya sa actor at direktor na si Coco Martin.

Cherry Pie Picache sinasabing naaawa siya kay Coco Martin [Photos: Maricel Soriano(Youtube)/ Real Coco Martin (Facebook)]

Ibinunyag niya ito sa panayam ni Maricel Soriano sa kanya sa youtube channel ng beteranang actress. Sa nasabing panayam ay natanong ni Maricel si Cherry Pie kung kumusta ang hit series nilang "Fpj's Batang Quiapo". 


(ads)


Ayon kay Cherry ang sa "ang saya-saya,” raw dahil nagkasundo silang lahat sa set.


“I mean, of course, it’s hardwork, di ba. Wala namang madali. Pero sa ‘Batang Quiapo’ family, it’s hardwork pero masaya kaming lahat. Lahat nagkakasundo,”sabi ni Cherry Pie 


(ads)


Sa puntong ito ay ibinahagi ni Cherry Pie na naawa siya kay Coco na lagi umanong naka-alalay sa kanila.


"Actually, naaawa kami sa kaniya. Kasi sa sipag ng tao, alam mo, syempre, may kapaguran din, di ba. Nakaalalay din kami sa kaniya. Kasi minsan kapag umaarte siya, iniisip pa niya ‘yung linya ng iba…Tapos, sa sarili niyang akting…ang iniisip niya, iba. Kasi last niyang iniisip ang sarili niya.” kwento ni Cherry Pie 

 
Si Maricel Soriano ay isang kilalang aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Ipinanganak noong Pebrero 25, 1965, siya ay kinilala sa kanyang mahusay na pagganap at pangalawang pagganap. Kilala siya sa kanyang mga mahahusay na karakterisasyon ng mga kontrabida at bida sa maraming pelikula at teleserye. Isa siyang multi-awarded actress na kilala sa taguring "Diamond Star." Isa rin siyang eksenang aktres, kaya't walang dudang nag-iwan siya ng malalim na marka sa industriya ng sining. Si Maricel Soriano ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang aktor at manonood sa buong bansa.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form