Melai, Luis at Robi host ng bagong show na pansamantalang papalit sa Its Showtime

 

Sina Melai Cantiveros Luis Manzano at Robi Dominggo ang mga host ng bagong show na papalit sa Its Showtime.

Melai, Luis at Robi host ng bagong show na pansamantalang papalit sa Its Showtime [Photo Courtesy on Instagram: iamrobidominggo, mrandmrsfrancisco, luckymanzano]

Ang kanilang show ay may title umano na "It’s Your Lucky Day” na papalit sa noontime slot ng Its Showtime habang suspendedo ito ng 12 days dahil sa hatol ng MTRCB.


(ads)


Ibinahagi ito ni Fermin sa kanyang online show na Cristy Ferminute kasa si Rommel Chika na kung saan magsisimula umano sa October 14 at magtatapos sa October 27.


"It’s Your Lucky Day ang titulo at ang tagapamuno nito na magiging Kapitan ay si Luis Manzano, Lucky, e, di ba?” kwento ni Fermin


(ads)


“Pero may nadagdag magaling na komedyante, kasama si Long Mejia! Alam naman natin ang mga atake ni Long Mejia, di ba? At siyempre po ang mga teenstars ng Star Magic ABS-CBN.” dagdag pa niya


Ang  "It's Showtime" ay isa sa popular na variety show sa Pilipinas. Ang programa ay unang umere noong Oktubre 24, 2009. Isa itong daily noontime show na nag-aalok ng iba't ibang segments, tulad ng "Tawag ng Tanghalan," "Magpasikat," at iba pa. Kilala ang show para sa kakaibang performances, comedy skits, at interaktibong entertainment para sa mga manonood. Si Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at iba pang mga host ay naging kilalang personalidad dahil sa programa. Patuloy itong nagbibigay-aliw at inspirasyon sa mga Pilipino sa loob ng maraming taon.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form