Vice Ganda di raw namigay ng ayuda sa staff ayon sa source ni Cristy Fermin

 

Ibinunyag ni Cristy Fermin sa kanyang show na "Showbiz Now Na" na hindi umano namigay ng ayuda si Vice Ganda sa mga staff ng Its Showtime.

Photo Credits: Showbiz Now Na(Youtube)/ Vice Ganda(Instagram)

“Ako po ay nagkaroon ng pagkakataon makausap ang isang impormante na napakalapit po sa aking puso dahil nakatrabaho ko nang matagal sa ABS-CBN. Ang sabi niya dahil staff siya ngayon ng Showtime, sa isang pag-uusap ay binigyan daw po sila ng assurance, ng pangako ni Vice Ganda na kung sakali raw po na magkakatuloy-tuloy itong suspensiyon ng labindalawang araw ng MTRCB, tutulungan niya ang staff,”kwento ni Fermin 


(ads)


Dito na inilahad ni Fermin na wala umanong binigay na ayuda si Vice: "Nanggaling din mismo doon sa loob, wala naman daw binibigay na ayuda si Vice. Sila din mismo ngayon ang nagkukuwestiyon kung bakit sabi magbibigay, waley naman pala,” 


Sabi pa ni Fermin: "Kasi ang katwiran niya siguro, Yun lang namang mga host ang suspended pero yung staff and crew sila din yung magmamando [sa pumalit na show]. Baka iyon ang kanyang iniisip. Bakit pa nga naman siya magbibigay eh sila nga naman ang nawalan ng trabaho pero ang staff and crew tuloy pa rin.” 

 
 Si Vice Ganda, o Jose Marie Borja Viceral sa tunay na buhay, ay isang kilalang komedyante, aktor, at host sa Pilipinas. Isinilang noong March 31, 1976, sa Tondo, Maynila, siya ay naging kilala sa kanyang natural na kakayahan sa pagpapatawa. Bago maging isang pamosong TV host sa "It's Showtime," si Vice ay naging isang stand-up comedian sa mga comedy bars. Isang LGBT advocate, malakas ang kanyang boses sa pagtutulak ng pagtanggap at pag-unawa sa mga miyembro ng LGBTQ+ community. Maliban sa kanyang karera sa showbiz, si Vice ay kilala rin bilang isang makulay at inspirasyon sa maraming Pilipino.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form