Baron Geisler masaya dahil di na raw takot sa kanya ang kanyang mga co-stars

 

Masaya ngayon ang actor ni si Baron Geisler dahil hindi na raw takot sa kanya ang kanyang mga co-star.

Photos: Baron Geisler/Instagram 

Sa isang panayam ay inamin ni Baron na nakaramdam na umano siya ng resperto mula sa kanyang kasamahan sa trabaho. Si Baron ay isa sa cast ng hit series na "Senior High". 


(ads)


“Ang pinakagusto ko ngayon, hindi na natatakot sa’kin ‘yung mga co-stars ko [at] may respeto na akong nararamdaman [mula] sa production [team], kasi hindi ako nale-late. [I put my] best foot forward; dapat alam ko ‘yung lines ko. Prepared ako. And nararamdaman, nakikita nila ‘yon,” he shared, and added that he feels the “love, support, and respect from [his] peers.”sabi ni Baron sa panayam ni Bernadette Sembrano sa kanya


Naibahagi rin ni Baron parang pamilya narin umano sila ng kanyang mga kasamahan. “[N]agmessage ako kay direk Andoy [Ranay], ‘Ganito pala ‘yun, no, direk? Ang sarap, para talaga tayong pamilya.’ Kasi sabay kami mag-breakfast nila Andrea [Brillantes]. Sabay kami mag-lunch ng prod,” 


Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong June 5, 1982, siya ay naging bahagi ng maraming teleserye at pelikula. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa showbiz, naging kontrobersyal din ang kanyang buhay. Madalas siyang nauugnay sa mga alegasyon ng kaguluhan at pag-aabuso sa alkohol. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, marami ang humahanga sa kanyang galing sa pag-arte. Sumailalim siya sa rehabilitasyon at nagbago para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang mga pagkukulang, nananatili siyang inspirasyon para sa marami na nagnanais magbagong-buhay.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form