Daria Ramirez naghihirap nga ba?; May paki-usap sa ex niyang si Joey de Leon

 


Kamakailan lang ay nag-guest si Daria Ramirez sa vlog ni Ogie Diaz. Sa kanyang guesting ay naibahagi niya ang kanyang buhay ngayong siya ay mag-isang namumuhay. Naibahagi rin niya ang tungkol sa ex-husband niyang si Joey de Leon. 

$ads={1}

Matapos siyang umapela ng tulong kay Joey de Leon, ay tinanong siya ni Ogie kung naghihirap ba siya ngayon. "So yung totoo, si Tita Daria ngayon kahit nag-iisa ay hirap ngayon sa buhay?" tanong ni Ogie 

Prangkang sagot ni Daria: "Hoo, hirap in a way na lack of financial. I mean, almost everyday, iniisip ko, kanino naman kaya ako makalapit, para makabayad nito, makabayad ganun. Mga ganun. Baka naman. Sana man lang eh maramdaman mo na naging bahagi din ako ng buhay mo, kahit na kung ano nangyari nung araw, nagpatawad na naman ako sa iyo di ba. Magpatawaran na tayo. Sana naman ilagay mo sa isip mo yung tapos na yun..." 
 
Si Daria Ramirez ay isang kilalang beteranang actress dito sa Pilipinas. Siya ay naging bahagi ng 115 movies at teleserye kabilang na rito ang Hiram na Mukha (1992) starring Nanette Medved at Abot Kamay Ang Pangarap (1996) starring Maricel Soriano and Dina Bonnevie.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form