Kice at Anji Salvacion inalok ng libreng acting workshop ni Ogie Diaz

 

Photos:Primevideo/Ogie Diaz Instagram 

Inalok ng libreng acting workshop ang actress na si Anji Salvacion at Kice ng talent manager na si Ogie Diaz. Matatandaan na pinuna ni Ogie ang pinakitang acting ng dalawa sa hit series na Linlang.

$ads={1}

Ayon kay Ogie sa isa niyang tweet nakakasira raw ng daloy ng kwento ang subplot nina Anji at Kice. "Pero ang gusto kong matapos eh yung subplot ng pag-iibigan nina Anji at Kice. Nakakasira sa daloy ng kwento. Parang nagwo-workshop pa lang sa loob ng isang teleserye. Kalokah."sabi ni Ogie sa kanyang tweet 

Ilang netizens naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Ogie at anila pina-fastforward daw nila tuwing may eksena sina Anji at Kice sa Linlang. 

Samantala sa isang vlog ni Ogie Diaz ay sinabi nito na willing siyang i-workshop ng libre sina Anji at Kice.

$ads={2}

"Kung gusto ni Anji Salvacion at saka ‘yung si Kice, libre ko kayong iwo-workshop. Hindi ko kayo pagbabayarin"sabi ni Ogie 

 
 Si Ogie Diaz ay isang kilalang talent manager, komedyante, at entertainment reporter sa Pilipinas. Siya ay mas kilala sa pagiging manager ng ilang sikat na artista, kabilang na si Liza Soberano at Vice Ganda. Bilang isang komedyante, naging regular siya sa mga comedy bars at naging bahagi rin ng ilang comedy shows sa telebisyon. Bilang entertainment reporter, siya ay naging bahagi ng "Showbiz Lingo" at naging host din sa mga talk shows. Si Ogie Diaz ay kilalang outspoken at honest sa kanyang mga opinyon, kaya't siya ay isang pangunahing personalidad sa industriya ng showbiz.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form