Dimples Romana nagbahagi bg update sa buhay ngayon ni Angel Locsin

 

Nagbahagi ng update ang actress na si Dimples Romana sa buhay ngayon ng kanyang bestfriend na si Angel Locsin.

Photos: Dimples Romana(Instagram)/Kiko Escuadro(Youtube) 

Sa panayam ni Kiko Escuadro sa kanyang youtube channel kay Dimples, ay naibahagi nito na nagkikita parin sila ni Angel kahit hindi na nakikita ang actress sa kabila ng pananahimik nito.


(ads)


“I try to see her every now and then. Ako, I’m very happy that she’s taking this time off... “So ngayon, inaalagaan niya ang sarili niya. Nandiyan si Neil, ine-enjoy niya ang married life niya. Tahimik ang buhay niya. Ang saya-saya ko para sa kanya…" masayang kwento ni Dimples sa naturang panayam 


“It’s a big choice, 'no. But it’s also a choice that I feel is making her happier. So, masaya ako... And at this time, when she chose to remain calm, be in the house, enjoy married life, yun sa akin, kabilib-bilib,” dagdag pa niya 


Naibahagi rin ng actress na sa kabila ng pananahimik ni Angel ay patuloy parin itong tumutulong: "I would tell you, kahit yan ay MIA, hindi yan MIA sa buhay ng mga taong tinutulungan niya.  “For 15 years, nanahi... “Hindi lang kasi siya masalita. Kahit ako pa siguro sabihin ko sino tinutulungan niya, ayaw niya pa rin yon. Kasi ayaw niya nga pinagsasabi yung tinutulungan niya. But I would tell you na kahit hindi mo siya nakikita, hindi ibig sabihin ay hindi siya tumutulong"

 
 Si Dimples Romana ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na sumiklab sa industriya ng showbiz. Siya ay kinilala sa kanyang kakayahang magdala ng kahusayan sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula. Kilala siya sa kanyang mga makabuluhang pagganap sa mga seryeng tulad ng "Kadenang Ginto" kung saan ginampanan niya ang iconic na karakter na si Daniela Mondragon. Bukod sa pagiging mahusay na aktres, ipinakita rin niya ang kanyang kabutihang-loob sa pamamagitan ng kanyang mga charity work. Isang inspirasyon si Dimples Romana sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang tagumpay at dedikasyon sa industriyang ito.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form