Piolo Pascual sa pag-aasawa: "Siguro 'pag tüli na 'ko"

 

Nag-open up ang actor na si Piolo Pascual kaugnay sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

Photos: pelikulamaniaph/Instagram 

Sa naganap na press conference sa Kao Manila kahapon, October 19 ay natanong ang actor tungkol sa kung may plano ba siyang magsettle down. Nagbiro ang actor na saka na raw niya gagawin ito pag tüli na siya.


(ads)


"I guess, in time. Siguro 'pag tüli na 'ko. Joke lang. Kapag malaki na po ako. Now kasi bata pa ko e." sabi ng actor habang natatawa "Most promising ako 'di ba sa showbiz? 'Pag nag-settle na 'ko. Ang dami ko kasing labada e. Wala pa talaga kong time para diyan," dagdag pa niya


Ayon pa kay Piolo, kontento na raw siya sa anak niyang si Inigo. At kung darating man ang panahon ay umaasa siya na ready na ang lahat


"There's always a time for it, but for now at my age, I'm not in any rush. I have a 26-year-old kid and I have this beautiful platform that I can practice my passion. And if it comes when it comes, you know, I hope I'm ready. I hope she's ready and I hope the whole world is ready,"sabi ng actor 


 
Si Piolo Pascual ay isang kilalang aktor, mang-aawit, at production manager sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang noong Enero 12, 1977,  nagsimula siyang sumikat noong dekada '90. Kilala siya sa kanyang mga natatanging pagganap sa mga pelikulang tulad ng "Dekada '70," "Milan," at "Starting Over Again." Bukod sa pag-arte, isa rin siyang mahusay na mang-aawit at nakapaglabas ng ilang album. Sa larangan ng produksiyon, naging bahagi siya ng Spring Films, kung saan siya nagprodyus ng mga pelikulang nagtagumpay sa takilya. Isang inspirasyon si Piolo sa industriya ng showbiz, patuloy na namumukod sa pagganap at pagsuporta sa mga proyekto ng sining.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form