Hala! Baron Geisler plano umanong tanggalin sa Senior High ng management ayon sa source ni Ogie Diaz

 

Totoo kaya? Plano umanong tanggalin ang actor na si Baron Geisler sa hit kapamilya series na Senior High ayon sa source ni Ogie Diaz. 

Photos: Baron Giesler(Instagram)/Ogie Diaz Showbiz Update(Youtube)

Sa Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang tungkol sa sinabi ng kanyang source hinggil sa issue ni Baron sa set ng Senior High. "Gaano naman katotoo ito, Loi? Na meron isang artista na wala talagang choice kundi tanggalin sa seryeng, Senior High." tanong ni Ogie  


(ads)


Ayon sa source ni Ogie, plano na umanong tanggalin ang actor ng management dahil sa umanoy bad behavior nito. "Mukhang magde-desisyon na ang management na tanggalin itong aktor na ito eh kasi raw, ito na nga yung sinasabi ko, talagang yun alak wala talagang gagawing mabuti sa katawan mo at sa pakikipag-relasyon mo sa mga kapwa artista," 


At dito na ay nagbahagi ng kanyang reaksyon si Ogie at tinanong si Baron kung gaano ka totoo ang isyung ito."Ito'y nakarating samin, sabi ko, 'Uy, serious?' 'Opo, baka tanggalin na siya kasi natatakot na yung ibang artista, lalo na yun mga bata kapag siya'y nakakainom. Gaano katotoo, Baron Geisler, na ikaw yun aalisin sa Senior High? Eh napaka-vital ng kanyang role." 

 
Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na nagsimula ang kanyang karera noong dekada '90. Nagmula siya sa showbiz sa pamamagitan ng mga indie films at mga teleserye. Isa siya sa mga original na miyembro ng "Ang TV," ang programa kung saan siya unang sumiklab sa entablado. Mabilis siyang naging kilala sa mga kakaibang papel sa mga pelikulang tulad ng "Jay" at "Magnifico." Naging kontrobersyal din si Geisler dahil sa mga alegasyon ng kaguluhan sa kanyang personal na buhay, ngunit nagpatuloy pa rin ang kanyang karera. Hanggang sa kasalukuyan, aktibo pa rin siya sa showbiz, kung saan patuloy na nagbibigay ng mga kakaibang at mahusay na pagganap.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form