Jennica Garcia nawindang matapos magkamali siya sa blocking nila sa It's Your Lucky Day

 

Nawindang ang actress na si Jennica Garcia matapos magkamali siya sa blocking sa 1st day ng show nilang "It's Your Lucky Day".

Photos: Jennica Garcia/Instagram 

Sa kanyang post sa Instagram ay ibinahagi ni Jennica ang nakaka-aliw na clip ng magkamali siya sa isang segment ng nasabing show. Sa clip na ibinahagi ng actress ay makikitang siya lang ang pumunta sa stage kasama ang contestant.


(ads)


Kaya naman ng sabihan siya ni Luis na nagkamali siya sa blocking ay napa-upo na lamang siya sa sahig at natawa. Kinantyawan naman siya ng kanyang mga kasamang host at sila'y nagtawanan  Maging ang ilang netizens ay natawa rin sa naturang eksena. 


"FIRST DAY MO SA WORK PERO NANGAMOY LAST DAY MO NA RIN Saan po punta ng Lala niyo ba kasi? "sabi Jennica sa kanyang caption

@angelpalermo885 Tawang-tawa ako sa'yo #JennicaGarcia Ang sakit sa tiyan!🤣🤣✌️ Saan ka pupunta? 🤣✌️ Ang saya ng unang araw sa #itsyourluckyday ! #fypシ゚viral #luckyday #viralvideo ♬ original sound - DON - GEL

Nagsimula ang karera ni Jennica Garcia bilang isang aktres sa Pilipinas noong dekada 2000. Ilan sa kanyang mga  ginampanan, ang mga popular na drama series tulad ng "Ikaw Lang ang Mamahalin" at "Encantadia." Sa mga taong lumipas, patuloy niyang pinatunayan ang kanyang husay sa pag-arte sa mga serye at pelikula, kabilang ang "Magkaagaw" at "Ika-5 Utos." Isa siya sa mga kilalang pangalan sa industriya ng showbiz, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang matagumpay na karera at pamilya. Sa kasalukuyan, patuloy siyang aktibo sa pagganap at sa kanyang mga adbokasiya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form