Janella Salvador nagpahayag ng suporta kay Pura Luka Vega

Nagpahayag ng suporta ang actress na si Janella Salvador sa drag artist na si Pura Luka Vega.

Janella Salvador nagpahayag ng suporta kay Pura Luka Vega [Photo Source Instagram: puralukavega,superjanella ] 

Matatandaan na inaresto si Pura kamakailan dahil sa umanoy  absence niya sa preliminary investigations sa kanyang kaso sa Manila. 


(ads)


Sa kanyang instagram stories, ay nirepost ni Janella ang post na artcard ng isang instagram user na @celestekuh_, hinggil sa pagka-aresto kay Pura. 


Mababasa sa nasabing artcard ang mga sumusunod: "Drag is not a crime! Pura Luka Vega was arrested this afternoon (October 4, 2023) after failing to attend the preliminary investigations of the criminal case filed against them in Manila. There was no subpoena received by PLV or their team for the preliminary investigations in Manila,"  

Screenshot mula sa instagram stories superjanella 

Si Janella Salvador ay isang kilalang aktres at mang-aawit sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Marso 30, 1998, at agad namana ang kanyang pagmamahal sa showbiz mula sa kanyang magulang na sina Juan Miguel Salvador at Jenine Desiderio. Isa sa mga pinakamemorableng proyekto ni Janella ay ang kanyang pagganap bilang "Nikki Grace Lim" sa teleseryeng "Be Careful with My Heart." 


Bukod sa pag-arte, kilala rin siya sa kanyang maganda at malambing na boses, kaya't hindi rin siya nag-atubiling magtungo sa mundo ng musika. Nakamit niya ang maraming awards at nominasyon sa kanyang karera, at patuloy na pinahahanga ang mga tao sa kanyang galing at talento. Si Janella Salvador ay isa sa mga bituin ng industriya ng showbiz na hindi lang maganda sa harap ng kamera kundi pati na rin sa likod nito.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form