Julia Montes may prangkang sagot kung nape-pressure ba siya sa highest grossing film nina Kathryn at Alden


May prangkang sagot ang actress na si Julia Montes sa tanong kung nape-pressure ba siya sa highest grossing film nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Julia Montes may prangkang sagot kung nape-pressure ba siya sa highest grossing film nina Kathryn at Alden [Photos: @aldenrichards02(instagram)/ GMA Network (Youtube)]

Kamakailan lang ay naguest si Julia sa pragramang Fast Talk ni Boy Abunda sa GMA Network para i-promote ang movie nila ni Alden Richards na "Five Break-ups and A Romance". 


(ads)


Sa kanyang guesting ay natanong siya ni Abunda na : "Is that a pressure that the highest-grossing film in Philippine cinema stars Alden Richards and Kathryn Bernardo?” 


Aminado si Julia na nape-pressure raw siya: "Siguro po pressure siya in the sense dahil ang paningin ng tao, after nina Kathryn, kami po,”  


(ads)


Sa kabilang banda ay sinabi ni Julia na proud siya sa kaibigan niyang si Kathryn: “But ako po kasi mas proud ako, doon ako tumitingin. Kasi si Kathryn ‘yun eh. Para akong ate ni Kathryn na every time may naa-achieve siya, ako 'yung isa sa pinaka-masasaya. So, imbes na tingnan ko siya na nape-pressure lang, I’m proud na si Kathryn 'yung nandoon.” 


 
Si Julia Montes ay isa sa mga pinakapinilakang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang noong March 19, 1995, ang kanyang karera ay nagsimula noong siya'y bata pa lamang. Nagpakitang-gilas si Julia sa mga seryeng tulad ng "Mara Clara" at "Walang Hanggan," kung saan pinakita niya ang kanyang husay sa pag-arte. Sa paglipas ng mga taon, patuloy na umangat ang kanyang karera, at siya ay naging bahagi ng maraming matagumpay na pelikula at serye. 


Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, kilala rin si Julia sa kanyang kabutihan at pagtutulong sa mga nangangailangan. Siya'y hindi lamang isang bituin sa harap ng kamera kundi pati na rin sa tunay na buhay. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, nananatiling down-to-earth si Julia Montes, na nagpapatunay na siya ay isang inspirasyon sa marami.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form