Kim Chiu ibinida ang masayang bonding nila ni Kris Aquino

 

Ibinida ng "Linlang" star na si Kim Chiu ang masayang bonding nila ni Kris Aquino.

Photos: chinitaprincess/Instagram 

Ibinahagi ni Kim sa kanyang instagram account ang ilang larawan at video kung saan tila namasyal sila ni Kris. Ayon kay Kim masaya raw siya dahil sa wakas ay nagkita narin ng kanyang "Ate". Masaya rin siya dahil in good health at in good shape na ito. 


(ads)


"I am super happy to be reunited with my ate @krisaquino. Seeing you after so many years makes my heart. I am happy to see you in good shape and good health, praying na magtuloy tuloy na." sabi ni Kim


Sabi pa niya kay Kris: Isa pa sa namiss ko yung mga chikahan natin and tawanan. Glad that we had that time ate kahit sandali lang, next time longer na with matching sleep over." 


(ads)


Nagpasalamat din siya kay Mark Liveste na siyang dahilan para magkita sila ni Kris: "Thank you to all your doctors and nurses for taking care of you. Thank you also to sir @markleviste for making this possible," 


Masaya rin ang actress dahil nagkita sila ng panganay ni Kris na si Josh: "I'm happy to see Kuya Josh also, and hopefully next time, si Bimb naman. I love you so much ate!!! Praying for good health and fast recovery. Missed you so much ate." 

Photos: chinitaprincess/Instagram

Photos: chinitaprincess/Instagram

Photos: chinitaprincess/Instagram

Si Kim Chiu na may tunay na pangalan na Kimberly Sue Yap Chiu ay isang kilalang artista sa Pilipinas. Isinilang noong April 19, 1990, kilala siya sa kanyang galing sa pag-arte at pagkakaroon ng masayang personalidad. Nag-umpisa siya bilang housemate sa Pinoy Big Brother noong 2006, kung saan unang nakilala ang kanyang husay sa pag-arte. Mula noon, nagpatuloy ang kanyang tagumpay sa showbiz. Lumabas siya sa iba't ibang teleserye at pelikula, kabilang ang "My Girl," "Ina, Kapatid, Anak," at "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?" Bukod sa pag-arte, masigasig si Kim sa pag-aambag sa komunidad at mayroong malawak na social media following. Si Kim Chiu ay isa sa mga hinahangaan sa industriya ng showbiz.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form