Ogie Diaz nagbigay ng reaksyon sa viral video ni Piolo Pascual na sumayaw kasama si Darren

Photos: @alisababy30(TikTok)/ @ogie_diaz(Instagram)

Kamakailan lang ay nagviral ang video ni Piolo Pascual kasama si Darren Espanto na todo hataw sa pagsayaw sa isang party. Sa video ay makikita na enjoy na enjoy ang lahat. Ang naturang videk ay umani ng samut-saring reaksyon kaya sa latest vlog ni Ogie Diaz ay nagbigay siya ng kanyang reaksyon. 


$ads={1}


"Itong si Darren Espanto at si Papa P. porke natitigan lang ni Papa P si Darren Espanto habang sila ay nagsasayaw... Tapos ayan, binigyan na ng malisya na para raw sa tingin nila e may something," sabi ni Ogie 

Ayon pa sa kanya, hindi daw dapat bigyan ng malisya ito dahil parang anak-anak lang ni Piolo si Darren. "Sa akin parang ano 'yan e. Parang anak-anakan nalang 'yan ni Papa P. Si Kyle Echarri nga meron silang movie e. Ibig sabihin 'pag inakbayan ko yung isang artistang gwapo na lalake ay, may pagtatangi na ako. Di ba pwedeng anak-anakan lang?"Kwento ni Ogie 

 
 
 Si Piolo Pascual ay isang kilalang aktor, mang-aawit, at produksiyon executive sa Pilipinas. Ipinanganak noong January 12, 1977, siya ay isa sa mga pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Kilala si Piolo sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, kabilang ang mga katanyagan niyang proyekto tulad ng "Esperanza," "Milan," at "Starting Over Again." Bukod sa pag-arte, siya ay isang world-class na mang-aawit at nag-release ng mga album na nagtataglay ng mga hit songs. Siya rin ay naging modelo at endorser para sa mga kilalang kumpanya. May mga proyektong pang-komunidad din si Piolo at nag-aambag sa mga adbokasiya para sa kabataan at edukasyon. Siya ay isa sa mga mahalagang personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form