Maricel Soriano matapang na ibinunyag na si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasampal

Photos: @praybetbenjamin, @primvideoph (Instagram) 

Tapat na inamin ni Maricel Soriano na ang komedyanteng si Vice Ganda ang pinakamalakas niyang nasâmpál. Ibinahagi ito ng actress ng may nagtanong sa kanya na isang netizen sa X. 

$ads={1}

"Sino po ang nakatikim ng pinakamalakas niyong sampal? @officialmaryaph.." tanong ng netizen kay Maricel. 

Ayon Linlang star, si Vice ang sa tingin niya ang pinakamalakas niyang nasâmpál dahil aniya dumugō raw ito."I think si @vicegandako , dumugō eh!"  

Kilala si Maricel Soriano sa kanyang makatotohanang pag-arte at nadadala siya ng emosyon ng eksena. Kaya naman, marami sa mga artistang nakakaeksena niya ang nasabing malakas itong namanpàl. 
Si Maricel Soriano ay isang aktres sa Pilipinas, at patuloy na aktibo sa kanyang karera sa showbiz. Ipinanganak siya noong Pebrero 25, 1965, at kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa telebisyon at pelikula. Tinaguriang "Diamond Star" dahil sa kanyang mahusay na pagganap, siya ay nagwagi ng maraming parangal at kilalang-kilala sa mga seryeng gaya ng "Gulong ng Palad," "Saan Darating Ang Umaga," at "Separada." Si Maricel Soriano ay patuloy na nagbibigay-kasiyahan at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga sa loob at labas ng Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form