Pagkikita nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABSCBN Ball viral

 

Nagviral sa social media ang umanoy pagkikita nina Maja Salvador at Kim Chiu sa naganap na ABSCBN Ball.

Pagkikita nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABSCBN Ball viral
[Photos: @majinglez:twitter/maja, abscbn: instagram ]

Sa isang post ng netizen sa twitter na @majinglez, ay ibinahagi nito ang umanoy larawan nina Maja at Kim na nagkita sa nasabing event. 


(ads)


Sa naturang larawan ay makikitang tila nagkaroon ng isang magandang chikahan at kumustahan ang dalawa.



Matatandaan na nagviral kamakailan ang vlog ni Kim na kung saan matapang niyang sinagot niya ang tanong “Bakit wala po kayo sa kasal ni Ate Maja?” 


(ads)


“Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap. Siyempre, kapag kasal mo, gusto mo ‘yung mga taong gusto mo lang nandiyan to witness your love sa partner mo,” sabi ni Kim 


Aniya pa hindi raw siya na-imbitahan ni Maja na dumalo sa kasal peru paglilinaw niya wala raw siyang sama ng loob sa actress.


“Hindi ako naimbitahan. Pero okay lang. Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya,”sabi niya 


Si Kim Chiu ay isa sa mga kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sumiklab ang kanyang karera matapos siyang manalo sa PBB Teen Edition noong 2006. Mula noon, patuloy siyang nagtagumpay sa mga proyektong telebisyon at pelikula. Siya rin ay isang mapagkawanggawa at nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.


Kilala rin si Kim sa kanyang pagiging masipag at pagiging positibo sa buhay. Hindi lamang siya isang magaling na artista kundi isang inspirasyon din sa marami dahil sa kanyang pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho. Sa kabila ng mga hamon sa industriya, nananatili siyang matagumpay at minamahal ng kanyang mga tagahanga.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form