JM de Guzman tapat na inaming matagal na niyang nililigawan si Donnalyn Bartolome: "beke nemen?"


Tapat na inamin ng actor na si JM de Guzman na matagal na niyang nililigawan  n ang singer at social media personality na si Donnalyn Bartolome.

JM de Guzman tapat na inaming matagal na niyang nililigawan si Donnalyn Bartolome: "beke nemen?" [Photos:1migueldeguzman/ Instagram]


Sa kanyang guesting sa morning talk show ng Kapamilya Network na Magandang buhay, ay natanong ang actor ni Regine Velasquez kung kumusta na ang status ng kanyang relasyon.


(ads)


"Can you say your love life is doing well?"tanong ni Regine sa actor 


"Ayos naman po"sagot ni JM


(ads)


Ngunit tila hindi nakontento si Regine sa sagot ni JM at tinanong niya ito ulit: "Naku JM, ayoko ng mga ayos-ayos dyan ha. Ayusin mo sagot mo dyan, ayoko nang tsina-charing. "


At inamin ni JM na: "Nanliligaw po."


Kinumusta ni Regine ang tungkol sa panliligaw nito at sabi ni JM na "Okay naman po"


Nang tanungin na ni Regine kung: "Sinagot ka na ba?" ay sinabi ni JM na: "Di pa e. Tagal ko na nanliligaw e, beke nemen?"


 
Si JM de Guzman ay isang kilalang aktor at mang-aawit sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang noong Setyembre 9, 1988, sa Mandaluyong City, nagkaroon siya ng malalim na pagmamahal sa sining mula pa sa kanyang kabataan. Nagsimula siya bilang isang child actor at mas nakilala nang higit bilang isang adult actor sa mga teleserye at pelikula.


Kilala si JM de Guzman sa kanyang makatotohanang pagganap, at ilan sa kanyang mga proyektong pinuri ay "That Thing Called Tadhana" at "Kung Paano Siya Nawala." Bilang isang mang-aawit, naging kilala siya sa kanyang kakaibang boses at mga awiting puno ng damdamin.


Hindi lamang sa kanyang talento, kundi pati na rin sa kanyang pagiging matatag at pag-usbong mula sa mga pagsubok sa buhay, kinikilala si JM de Guzman bilang isang inspirasyon sa mga tagahanga at kasamahan sa industriya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form