Paolo Avelino nawindang matapos i-message siya ng netizen na gigil na gigil sa asawa niya sa Linlang

 

Nawindang ang actor na si Paolo Avelino matapos siyang i-message ng isang netizen na gigil na gigil sa asawa niya sa hit series na Linlang na mapapanood sa Prime Video. 

Photos: Paolo Avelino/Instagram 

Ibinahagi ni Paolo sa kanyang instagram, ang mensahe na natanggap niya sa netizen na nanggigil sa asawa niya sa Linlang na ginampanan ni Kim Chiu. 


(ads)


Mababasa sa screenshot ang mensahe ng netizen kay Paolo: "Victor!!! Awang-awa nako sayo eh. Nanggigigil ako diyan sa asawa mong sinungaling at malandi eh!! Oh, para makuha mo anak mo tutulungan kita. May screenshot ako ng picture ng asawa mo at si Alex. Tsaka yung nanay mo, alam din na may relasyon sila. Gigil ako sa asawa mo. Tatampalin ko yan!"  


Natawa na lamang si Paolo at aniya ""Affected much si anteh," 

Photo From Facebook: KOW

Si Paolo Avelino ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na sumiklab sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang natatanging talento at kagwapuhan. Ipinamalas  niya ang kanyang husay sa pag-arte sa mga proyektong tulad ng "OTJ" at "Ang Larawan," na nagbigay sa kanya ng mga parangal mula sa mga prestihiyosong award-giving bodies. Ang kanyang pagsabak sa telebisyon sa mga serye tulad ng "Kahit Konting Pagtingin" at "Asintado" ay nagpamalas ng kanyang kakayahan bilang isang mahusay na aktor. Bilang isang idolo ng kabataan, patuloy niyang pinamamalas ang kanyang husay at pangalan sa industriya ng showbiz. Si Paolo Avelino ay tunay na nag-iisa sa kanyang larangan.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form