Julia Montes nagbahagi ng kanyang saloobin patungkol sa cheating: "Wala namang perfect eh"


Nagbahagi ng kanyang saloobin ang actress na si Julia Montes patungkol sa cheating sa isang episode ng Magandang Buhay kung saan naguest sila ni Alden Richards para sa promotion ng movie nila na "Five Break-ups and a Romance".

Photos: ABSCBN Entertainment/Youtube

Ayon kay Julia, wala naman daw perfect sa isang relasyon: "Wala namang perfect eh. Aminin natin, in a relationship merong isa or minsan, hindi ko naman nilalahat, 'di ba baka dalawa kayo nagkamali for a time. Pero hindi naman necessarily 'pag nagkamali sa'yo, hihiwalayan mo na agad," dagdag pa niya.


(ads)


Sabi pa niya: "Minsan baka din pwede kang magtanong nung time ba na 'yon nung nangyari 'yon, may pagkukulang ka ba kaya nangyari 'yon, pero kung wala, du'n ka na lang magtanong sa sarili mo na 'ah, teka lang' du'n mag-iiba yung kwento," paliwanag pa ng aktres.


Pahayag pa ni Julia: "So parang feeling ko, cheating, 'pag ilang beses na, too much. 'Pero 'pag 'yung nagkamali, nadapa. Well, ako ang mindset ko lang 'pag nadapa ba ang isang tao, sinong gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na? O ikaw pa rin na partner mo?"

 
 Si Julia Montes ay isang kilalang aktres sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 19, 1995, ang tunay na pangalan niya ay Mara Hautea Schnittka. Kilala siya sa kanyang kahusayan sa pag-arte at kanyang magandang mukha. Si Montes ay nagsimula sa showbiz noong bata pa lamang at mabilis na sumikat. Marami siyang mga mahusay na proyekto sa telebisyon at pelikula, at kanyang ipinakita ang kanyang husay sa pagganap sa mga serye tulad ng "Mara Clara" at "Doble Kara." Isa siya sa mga inaasam-asam na artista ng industriya, at patuloy siyang nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form