Ricardo Cepeda nagsalita matapos siyang arestohin dahil sa kasong syndicated estafa

 

Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Ricardo Cepeda matapos siyang arestohin dahil sa kasong syndicated estafa. 

Photo Courtesy: GMA News(Youtube)

Sa interview ng GMA News sa actor, inamin niyang nagulat siya sa mga akusasyon laban sa kanya. "I was shocked because I wasn't aware na umabot sa may warrants ako. I had heard na may mga scandal, pero hindi ko alam na sinama nila ako." 


(ads)


Iginiit naman ni Cepeda na wala siyang kinalaman sa kompanya at aniya model lang umano siya nito. "I'm not connected at all sa company, even sa business registration, my name is not there. Wala ako sa running business anything of the company. Model lang ako about the products." 


Niniwala naman ang actor na mapawalang sala siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Ngunit ang aniya "Yung ano ko lang, yung time, the wasted time. I can't do anything. I cannot work because I'm here trying to prove my innocence."  

Si Ricardo Cepeda, na may tunay na pangalan na Richard Cesar Cepeda Go, ay isang beteranong aktor na nagpamalas ng galing sa Philippine TV at sine. Siya ay 57 taong gulang, ipinanganak noong ika-11 ng Oktubre, 1964 sa Maynila, Pilipinas. Kilala siya sa mga pelikulang tulad ng "Una Kang Naging Akin" na inilabas noong 2008, ang pelikulang "Kaya Kong Abutin Ang Langit" noong 2009, at ang seryeng "Ang Probinsyano." Siya ang dating asawa ng aktres na si Snooky Serna.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form