Ricci Rivero ibinunyag kung bakit pumunta si Andrea Brillantes ng madaling araw sa condo


Nagbahagi na ng kanyang saloobin si Ricci Rivero kaugnay sa kontrobersiyang kinahaharap niya ngayon. Sa pamamagitan ng show na Marites University, ay nagpadala si Ricci ng mensahe kay DJ Jaihonna host sa naturang programa. 

Photos: Andrea Brillantes, Ricci Rivero/Instagram 

Sa kanyang mensahe ay nilinaw ni Ricci na hindi 3rd party ang girlfriend niyang si Leren Mae Bautista. "Dun lang tayo sa totoo. Hindi 3rd party si Leren alam nila yan. Huwag silang pa-click bait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami. Mag mo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila." 


(ads)


Naibahagi rin ni Ricci kung bakit niya sinagot ang tweet ng kaibigan ni Andrea na si Bea Borres: "Jai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she's pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako yung tao para manira. You all know me from the beginning." 


Sinabi rin ni Ricci na May 6 daw ay sinabi ni Andrea na wala na sila at May 26 ay nagkakilala si ni Leren kaya naniniwala siya na walang overlap na nangyari: "Nakilala ko si Leren May 26. And alam nilang mag bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko yun na pumunta doon so paanong overlap doon Jai? " 


Naibahagi rin ni Ricci na pumunta si Andrea sa kanyang condo para umano makipagbalikan. "Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya ng condo ko nang madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single. She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla."

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form