Sweet! Video kung saan sumayaw ng sweet dance sina Sharon at Gabby viral

 

Mabilis na nagviral sa social media ang video kung saan sumayaw ng sweet dance ang dating mag-asawa na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. 

Photo screenshot from Sharon Cuneta/Instagram 

Sa video na ibinahagi ni Sharon sa kanyang instagram account ay makikitang sumayaw ang dating mag-asawa ng kantang "Kahit Maputi na ang Buhok Ko" by Rey Valera. 


(ads)


Isa umano ito sa rehearsal para sa kanilang upcoming reunion concert na "Dear Heart The Concert," sa darating na October 27 sa SM Mall of Asia Arena. 


Sa kanyang caption ay ibinunyag ni Sharon na:  "Nagkakailangan pa rin ang dalawa." Dagdag pa niya: "Pasensya na po!" Marami namang netizens ang di mapigilang kiligin sa dating mag-asawa. 

@sharoncuneta_ ang nakalipas ay ibabalik natin đŸ¥¹✨ #shagab #sharongabby #sharoncuneta #gabbyconcepcion #dearheartconcert #dearhearttheconcert #fyp #foryou #foryoupage #trend #trending #viral ♬ original sound - Sharon QUEENeta


Sina Sharon at Gabby ay ikinasal noong  1984 at masayang winelcome ang kanilang anak na KC Concepcion noong 1985. Naghiwalay sila noong 1987. Si Sharon ngayon ay happily married sa dating senador na si Kiko Pangilinan at mayroon silang tatlong anak na may mga pangalang: Kakie, Miel, at Miguel.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form