Vice Ganda naiyak dahil sa hindi magandang sinapit nila ni Ion sa isang airlines

 

Naglabas ng saloobin si Vice Ganda at aniya naiyak siya dahil sa hindi magandang experience na sinapit niya sa isang airlines.

Overbooking issue of Vice Ganda with PAL
Photos: Vice Ganda/ Instagram 

Sa kanyang post sa social media site na 'X', nito lamang October 24, ay nagrant ang Unkabogable star dahil sa overbooking issue nito sa isang local airlines. Sa una niyang post ay ibinahagi ni Vice na nawalan umano siya ng upuan. 


(ads)


"GRABE KA @flyPAL!!! Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses niyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!" kwento ni Vice sa kanyang tweet 



Sunod naman na kinwestyon ni Vice ang tungkol sa overbooking: "Sistema niyo na ba talaga ang overbooking @flyPAL??? Alam niyo ba kung gaanong stress ang idinudulot niyo sa pasaherong di nakakasakay sa binook at binayaran nyang flight? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera?" 
Naibahagi rin ni Vice naiyak siya dahil sa kanilang sinapit: "Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flyt na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin."
@flyPAL

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form