Andrea Brillantes nagbahagi ng saloobin tungkol sa pinagka-iba ng "faithful" at "Loyal"

Photos Courtesy on Instagram: @blythe

Nagbahagi ng kanyang saloobin ang "Senior High" star na si Andrea Brillantes patungkol sa pinagkaiba ng "Faithful" at "Loyal."

$ads={1}

Naibahagi ito ng actress sa Youtube vlog ni Luis Manzano na kung saan siya ang naging guest.

“Sa mga hindi nakakaalam, iba ang loyal sa faithful. Ang loyal, kapag may dumaan na chicks titingin 'yan pero doon pa rin siya sa mahal niya. Ang faithful kapag may chicks diyan, 'Hindi, titingin lang ako sa asawa ko, sa love of my life.' Ganu'n ang faithful.”sabi ni Andrea

“Ang faithful, kahit pa lahat ng sēxy na babae nasa harapan mo, hindi, hindi ka titingin. At hindi ka makaka-feel ng kahit anong attraction.” dagdag pa niya 

$ads={2}

Kaya natanong siya ni Luis na : “So ang hinahanap mo hindi na faithful, loyal na lang?” 

Ayon kay Andrea Loyal ang kanyang hinahanap kasi ang hirap daw makahanap ng lalaking Faithful: “Pero siyempre kung may faithful, Lord, please,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form