Maymay Entrata may paki-usap sa nagpost ng video nila ni Edward Barber

 

Photo Courtesy on Instagram: @maymay/@edward_barber

May paki-usap ang dating Pinoy Big Brother winner na si Maymay Entrata sa netizen na nagpost ng video nila ng dati niyang ka-love team na si Edward Barber.

$ads={1}

Ang naturang video ay kuha sa naganap kamakailan na Star Magical Christmas 2023 event na kung saan makikita ang encounter ng dalawang kapamilya artist.

Sa post kasi ng fan, ay ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan na muli niyang nakita na magkalapit sina Maymay at Edward.

"After such a long time, ngaun ko lang ulit nakita kayo na ganito kalapit. Hope it will not be the last. I still believe in the power of love, fate and destiny. Who knows someday........ someday" post ng fan sa kanyang twitter 

$ads={2}

Ngunit nagreact si Maymay sa naturang post at aniya huwag raw lagyan ng malisya ang naturang video.

"Hello po, una sa lahat maraming salamat po sa suporta nyo saamin, pero sana po wag nyo na pong lagyan ng malisya at repetuin po ang mga mahal ko sa buhay. Pasensya at maraming salamat po sa pag unawa,"sabi ni Maymay 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form