JM de Guzman masayang ibinahagi na napapayag na niya si Donnalyn sa kanilang "not so friendly date"

Photos: JM de Guzman/Youtube

 Masayang ibinahagi ng "Linlang" star na si JM de Guzman na napapayag narin niya sa wakas ang vlogger na si Donnalyn Bartlome sa kanilang "not so friendly date" matapos ang mahigit isang taon.

$ads={1}

"Pumayag na siya. Matagal ko hinintay itong araw na 'to. Ilang beses ko na syang tinanong tungkol sa date na 'to simula Mayo 2022 pa lang. Hindi ang sagot niya. sinubukan ko sa 'Can't Say No Challenge...'" sabi ni JM sa kanyang instagram video post

"Can't say no, pero nag-no pa rin siya. Kung pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sakin, kuntento na ako, makasama ko lang siya, ay hindi, liligawan ko siya. Niligawan ko siya. Dalawa ako ng dalaw, baka sakaling dumating ang araw na pumayag na siya. Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo 2023." dagdag pa niya 


JM de Guzman, isang Filipino actor, singer, at model, ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap at musikal na talento. Ipinanganak noong Setyembre 9, 1988, si JM ay unang sumikat bilang isa sa mga bagong male talents ng ABS-CBN. Kilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye gaya ng "Angelito: Batang Ama" at "Araw Gabi." Bilang isang singer, nag-release siya ng ilang singles at album. Sa kabila ng kanyang personal na hamon, nakamit ni JM ang tagumpay at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga tagahanga at mga nagnanais magtagumpay sa larangan ng sining.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form