Ryan Bang proud na ibinandera kung paano niya nakilala ang kanyang girlfriend

 

Photos: ryanbang/instagram

Proud na ibinandera ng Its Showtime host na si Ryan Bang kung paano niya nakilala ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Grace Huyong. Ibinahagi ito ni Ryan sa isang episode ng Its Showtime.

$ads={1}

Kwento ni Ryan: "Sa sobrang tagal ng panahon, alam naman natin, Madlang People talaga na ang hirap pala maghanap ng taong iibigin ko at iibigin ako.

"Dumating sa punto na nag-give up na ako. Kasi baka gusto talaga ni Lord na single ako, para makapag-focus ako sa sarili ko

"Pero nu’ng nag-give up na po ako talaga, out of nowhere, nu’ng naglaro lang po ako ng football talaga nakita ko ‘yung the one. Naniniwala na po ako na kapag nakita mo [ang] ‘the one’, talagang alam mo na, may spotlight, may slow-mo.

$ads={2}

"Alam kong marami diyang Madlang People na tulad ko, matagal na naghihintay ng ‘the one. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap, dumarating po.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form