Kaila Estrada naloka sa reaksyon ng isang "Linlang" fan ng makita silang magkasama ni JM

 

Photos: @kailaestrada/instagram

Naloka ang actress na si Kaila Estrada sa reaksyon ng isang masugid na taga-subaybay ng hit series nilang Linlang.

$ads={1}

Sa kanyang Instagram stories ay ni-reshare ni Kaila ang nakaka-tuwang post ng isang netizen. Ang naturang post ay larawan nila ni JM at Kaila kasama ang isang fan na nagkipag-selfie sa kanila. 

Ngunit sa caption ng netizen ay tila gigil parin ito at mukhang hindi pa naka-move on sa Linlang. "Hindi na talaga natuto si Sylvia! Dikit na dikit pa kay Alex!"sabi sa caption ng netizen 

"Tapos na Linlang. Nakuha niyo inis ko. Haha So proud of @kailaestrada."dagdag pa nito

$ads={2}

Nagreact naman si Kaila at aniya: ""Bati na kami hahaha." 


Si Kaila Estrada na may tunay na pangalan na Mikaela Ariana De Belen Estrada ay anak ng dating couple na sina Janice De Belen at John Estrada. Siya ay ipinanganak noong March 16, 1996. Kamakailan lang ay nagtrending ang eksena ni Kaila kasama si Kim Chiu sa Linlang na kung saan hinangaan ang kanyang galing sa pag-arte.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form