LA Santos tapat na inaming natarayan siya ni Maricel Soriano

Photos: @officialmaricelsoriano,lasantos27/instagram

Tapat na inamin ng actor na si LA Santos na natarayan umano siya ng beteranang actress na si Maricel Soriano. Sina Maricel at LA ay magkasama sa pelikulang "In His Mother’s Eyes" na kung saan gumanap sila bilang mag-ina.

$ads={1}

“Siyempre natarayan naman po. Kasi siyempre, nanay ko siya, e. Hindi naman mawawala yun. “Ano po, yung… nagiging mataray siya sa akin pagdating sa karakter ko po pag nag-aaral kami ng script.Yun naman po ang naa-appreciate ko nang sobra kay Inay, kasi sobrang ginagabayan po niya ako. Sobrang hindi niya po ako pinabayaan.” kwento ni LA sa mediacon para sa kanilang pelikula 

Naibahagi rin ni LA na naintimidate sa beteranang actress: “Siyempre, hindi naman po mawawala yon,Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po." 

Ang kanilang pelikulang "In His Mother’s Eyes" ay mapapanood sa mga sinehan sa darating na November 30,2023. Ito ay under sa direksyon ni FM Reyes. 

$ads={2}

Kasama rin sa cast nito sina Roderick Paulate, Maila Gumila, Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans, Nolo Lopez, Bong Gonzales, at Skylee Alcalde.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form