KathNiel hindi na raw ire-renew ng Star Magic? Lilipat na ng bagong management?

 

Photo Credits: @supremo_dp

Usap-usapan ngayon sa social media ang rebelasyon ni Cristy Fermin sa kanyang youtube show na "Showbiz Now Na" tungkol sa tambalang KathNiel.

May nakarating umano kasi na info si Fermin tungkol sa KathNiel na umanoy hindi na ire-renew ng Star Magic ngunit aminado naman daw siya na wala pa siyang resibo sa tsismis na ito.

"Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic. Ang balita, ang kampo ni Kathryn, nakikipag-usap na raw kay Rambo Nuñez, kina Maja" kwento ni Fermin. Sina Maja at Rambo ang nasa likod ng Crown Artist Management

"At ang kay daniel naman daw ay ibang management: "At kay Daniel, nakarating din sayo [kay Wendell Alvarez] na kukuha na ng ibang management" 

Nakarating din umano kay Cristy ang balitang nag-uusap na ang mga abogado ng dalawang kampo.

 "Kasi nga po, maraming negosyo na magkasosyo si Daniel at saka si Kathryn. Marami pong business na sila ay sangkot. So ngayon ang nangyayari, yung abogado ni Kathryn at ni Daniel, inaano ngayon yung halaga ng mga ipinuhunan nila sa kani-kaniyang negosyo na pinagsaluhan nila.So pagka po ganyan na nagkakabawian na ng investment, ano pong ibig sabihin nun?" kwento ni Fermin 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form