Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada na magharap-harap kasama ang kanyang source hinggil sa isyu ng KathNiel

 

Photo Courtesy on Youtube: Showbiz Now Na(Cristy Fermin)/Instagram: @supremo_dp(Daniel Padilla and Kathryn),@karlaestrada1121(Karla Estrada)

Tahasang hinamon ni Cristy Fermin si Karla Estrada na umanoy magharap silang tatlo kasama ang kanyang source hinggil sa break-up issue nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

$ads={1}

Matatandaan na kamakailan sa isang show ni Fermin ay nanindigan siya at kanyang dalawang kasama na umanoy hiwalay na sina Daniel at Kathryn.

"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?" pasabog ni Fermin

Pinabulaan ito ni Karla sa pamamagitan ng isang post at aniya : "Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko."

$ads={2}

At ngayon sa kanyang show, ay muling nagsalita si Fermin at hinamon niya si Karla na magharap sila kasama ang kanyang source kung sino raw ang nagsabi sa kanila ng totoo.

"Hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda diyan. Magharap-harapan kami ng aking source at saka siya. Magkita-kita kaming tatlo.  Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada. Para malaman natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap. Ang problema, sino sa mga sources na pinagsabihan niya na naghiwalay ang anak niya at si Kathryn ang kanyang naiisip na nakapagparating sa akin ng mensahe. Sa ngayon ang hindi niya malaman, sino sa mga sources o sino sa mga kaibigan niyang pinagsabihan ang nakapagparating sa atin ng kwento," sabi ni Fermin 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form