Kim Chiu nagsalita na sa tsismis na umanoy hiwalay na sila ni Xian Lim:"Sa amin na lang 'yun"

 

Photo Credits on Instagram: @chinitaprincess,@xianlimm

Binasag narin sa wakas ng "Whats Wrong With Secretary Kim" star na si Kim Chiu ang tsismis na umanoy hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.

$ads={1}

Sa naganap na 5th anniversary fashion show ng Filipino designer Francis Libiran nito lamang biyernes ng gabi sa City of Dreams Manila na natanong ang actress tungkol sa nasabing issue.

“Grabe ... sa amin na lang 'yun, we’ll just keep it to ourselves na muna,” sabi ni Kim 

Matatandaan na kamakailan sa isang panayam ay itinanggi ni Kim na hiwalay na sila ni Xian: “Okay na okay naman kami ni Xi, opo. “Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya" 

$ads={1}

Samantala sa isang vlog ni Ogie Diaz, ay ibinunyag nito na umanoy parang naaliw na raw sa isat-isa sina Kim at ang ka-loveteam niyang si Paolo Avelino. "Nakarating na naman sa akin ito...hindi na parang ano, let's put it this way, na parang naaaliw na sa isa't-isa si Kim Chiu at si Paulo Avelino," sabi ni Ogie 

Sina Kim at Xian nagde-date na noon pang 2012, at noong 2018 kinumpirma ng actress ang kanilang relasyon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form