Ogie Diaz nabalitaan na umanoy may nakikipag-usap sa management ng ABSCBN para patigilin sila sa pagbalita tungkol sa KathNiel

 

Photo Credits: @supremo_dp(Instagram)/Ogie Diaz Showbiz Update Vlog(Youtube)

Nabalitaan umano ni Ogie Diaz na may nakikipag-usap umano sa management ng ABSCBN na umanoy patigilin sila sa pagbalita kaugnay sa umanoy break-up issue ng KathNiel.

$ads={1}

"Ang puno't dulo pa rin ng lahat ng nito ay kailangan nating marinig si Daniel at Kathryn kung ano nga ba ang totoo.Kaugnay ng balitang 'yan, meron daw nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN na kung pwede raw na patigilin ako, kami dito na magbalita tungkol sa Kathniel sa breakup di umano lalo na kay Daniel... Pinapatigil kami" kwento ni Ogie Diaz 

Ngunit paglilinaw ni Ogie, wala pa umanong nakarating sa kanya na tawag mula sa ABSCBN. Samantala ibinahagi rin ni Ogie ang umanoy nakarating sa kanyang impormasyon.

"Pero meron pang nakarating sa akin, meron namang nakipag-usap sa kampo ni Kathryn Bernardo. 'Yun na nga, parang nakarating kay Kthryn na merong nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN para patigilin ako. Ang sabi ng kampo ni Kthryn, nakarating lang naman sa akin ito... "Let them be" ibig sabihin hayaan niyo na sina Ogie na gawin ang trabaho nila. Parang ganon yung let them be" sabi ni Ogie 

$ads={2}

Kaya paliwanag ni Ogie: "Una sa lahat, wala po kaming ibinabalita rito na nakakasirang puri. Kay Kthryn, kay Daniel, o sa relasyon. Ang lagi rin naming sinasabi rito, 'yun lang pong nababalitaan namin pero, hindi pa confirmed. "Kaya yung iba, inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya nga sinasabi namin, hindi pa confirmed." 

Narito ang kabuuang pagtalakay ni Ogie kasama si Mama Loi at At Mrena.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form