Melai Cantiveros tapat na inaming pinagseselosan niya si Ivana Alawi

Photos: @ivanaalawi, @mrandmrsfrancisco/Instagram

Tapat na inamin ng "Maam Chief" star na si Melai Cantiveros na umanoy pinagseselosan niya ang "FPJ's Batang Quiapo" star na si Ivana Alawi.

$ads={1}

Ni-reveal ito ni Melai nang mag-guest ang kanyang asawang si Jason Francisco sa Morning Talk Show ng Kapamilya Network na Magandang Buhay nito lamang November 15.

"Masaya ako pag si Mamshie Reg pero 'pag ibang babae, si Ivana kasi... mamshie Reg, updated kasi sa bagong post ni Ivana," kwento ni Melai sa naturang episode 

"Tingnan mo yung bagong post ni Ivana, alam ang sabi niya, nakita ko na 'yan. Huh?," hirit pa ni Melai

$ads={2}

Nagpaliwanag naman si Jason at aniya lagi raw trending ang mga post ni Ivana kaya lagi raw niya itong nakikita.

 
Melai Cantiveros, isang kilalang komedyante, aktres, at host sa Pilipinas, ay nagtagumpay matapos manalo sa "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009. Ipinanganak noong Abril 6, 1988, naging paborito si Melai sa kanyang natural na komedya at spontaneity. Bilang bahagi ng "Melason" kasama si Jason Francisco, naging paborito ang kanilang loveteam. Naging regular host rin si Melai sa "It's Showtime" at naging bahagi ng ilang teleserye at pelikula. Sa kabila ng kanyang komedya, nagtagumpay si Melai sa iba't ibang aspeto ng showbiz, patuloy na nagbibigay saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form