Elizabeth Oropesa naglabas ng saloobin sa mga batang walang galang sa mga magulang

Elizabeth Oropesa

Naglabas ng saloobin ang beteranang actress na si Elizabeth Oropesa sa mga kabataan ngayon na walang galang sa kanilang mga magulang.

$ads={1}

Naibahagi ito ni Elizabeth ng makapanayam siya sa youtube channel ng actress na si Snooky Serna. Sa naturang panayam ay ipinaalala ng actress sa mga kabataan kung gaano kahalaga na mahalin ang mga magulang.

“Para sa mga kabataan ngayon na hindi na kasing-galang noon, gusto ko lang sanang malaman ninyo kung gaano kahalaga ang magulang. Kahit anong sabihin, kahit maraming mali, igalang ninyo ang inyong magulang lalo na ang ina,” litanya ni Elizabeth na kilala rin sa tawag na La Oro 

Paliwanag ni Elizabeth: “Kasi kapag nawala ‘yan, wala na. Maski na anong gawin ninyong sabihing ‘I love you’ kung p@tay na, p@tay na."

$ads={2}

Kaya naman nagbigay ng payo se Elizabeth sa mga kabataan ngayon: “Bigyan n’yo ng pagpapahalaga kahit na millennial kayo, kahit ‘yung ngayong generation kayo, igalang ninyo, pakinggan ninyo ‘yung magulang ninyo ‘pag kinakausap kayo,”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form