Nova Villa di mapigilang maiyak sa Magpasikat 2023 perfomance nina Vhong, Jugs at Teddy

 

Photos: ABSCBN Entertainment

Di mapigilang maiyak ng beteranang actress na si Nova Villa sa Magpasikat 2023 performance nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa Its Showtime ngayong araw, November 6, 2023.

$ads={1}

Ang kanilang performance kasi ay tribute para sa mga yumaong komedyante na sina Dolphy, Babalu at Redford White. Gamit ang trending ngayon na Artificial Intelligence (AI) ay nag transform si Vhong bilang si Dolphy, Jugs naman bilang Babalu at Teddy bilang si Redford White.

Kaisa-isang guest si Nova sa naturang performance ng tatlo. At nang matapos ang kanilang performance at ininterview na sila ng mga Its Showtime host ay di mapigilang maiyak ni Nova dahil kaibigan pala niya sina Dolphy, Babalu at Redford.

$ads={2}

“Kaibigan ko lahat ‘yun. Nakasama ko lahat ‘yun. Lahat ng mga nakita n’yo, nakasama ko lahat, lalo na ang Tito Dolphs,” sabi ni Nova habang di nito mapigilanng tumulo ang mga luha


Si Nova Villa ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na kinikilala para sa kanyang mahusay na pagganap sa mga komedya. Ipinanganak noong April 16 1946, siya ay naging isa sa mga preeminent na komedyante at aktres sa kanyang henerasyon.

Naging bahagi si Nova ng maraming mga pamosong pelikula at teleserye sa kanyang karera, at kilala siya sa kanyang kakayahang magdala ng kasiyahan at tawa sa mga manonood. Isa sa mga iconic na papel na ginampanan niya ay bilang "Bing" sa "Iskul Bukol," kung saan siya ay naging bahagi ng sikat na karakter na "Iskul Bukol" noong dekada 80.

Si Nova Villa ay isang pambansang komedyante na hinangaan sa kanyang kakayahan na magdala ng kaligayahan sa mga Pilipino at patuloy na naging inspirasyon sa mga kabataan na nagnanais na magtagumpay sa mundo ng sining at pag-aartista.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form