Roderick Paulate nagsalita na sa balita na umanoy nakulong siya

Photos: Ogie Diaz/Youtube

 Binasag narin sa wakas ng komedyanteng si Roderick Paulate ang kanyang katahimikan sa isyu na umanoy nakulong siya. Ibinahagi niya ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa youtube channel nito.

$ads={1}

"Nagko-comment yung mga tao, akala ko nakakulong yan?" tanong ni Diaz kay Paulate 

Sumagot naman si Paulate at itinanggi niya na siya ay nakulong.

"Once and for all, hindi po ako nakulong...Minsan lagyan ko na lang kunyari yung, 'Di ba nakakulong siya,' lagyan ko na lang ng [demonstrates mouth-open emoji], nakaganun, kasi kung sasagot pa ako, baka humaba." paliwanag niya 

$ads={2}

"Yung iba naman nilalagyan ko na lang ng heart...parang ganun na lang. Wala na tayong magagawa eh, hindi naman lahat nakakaintindi." dagdag pa niya 


Si Roderick Paulate ay isang Filipino actor, comedian, at public servant. Ipinanganak noong Abril 4, 1960, siya ay isa sa mga kilalang komedyante at aktor sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mahusay na komedya at sa kanyang mga papel sa mga popular na sitcoms at komedyang palabas. Bukod sa showbiz, nagsilbi rin si Roderick sa pulitika bilang konsehal 2nd district ng Quezon City. Isa siya sa mga artistang naging bahagi ng lokal na pamahalaan at nagtaguyod ng mga proyekto para sa kapakanan ng mga mamamayan. Si Roderick Paulate ay isang halimbawa ng isang artistang may malasakit sa publiko.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form