Vilma Santos ibinahagi ang pagkagiliw sa kanyang napaka-cute na apo

 

Photos: rosavilmasantosrecto,jessymendiola/instagram

Ibinahagi ni Star For All Season Vilma Santos ang pagkagiliw niya sa kanyang una at nag-iisang apo na si Baby Isabelle Rose o mas kilala sa tawag na Baby Peanut na anak ni Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola. 

$ads={1}

 Naibahagi ito ni Santos  sa panayam sa  kanya ni Cristy Fermin na kung saan ibinahagi niya na sobrang ganda ni Peanut.

"Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya. Alam mo kasi ang ganda niya when you see her in person, very fine. 'Yung ganda niya hindi yung sharp. 'Pag tinitigan mo siya, fragile na fragile," kwento ni Santos 

Ikinuwento rin ni Santos ang napansin niya sa kanyang apo na aniya'y marunong daw sa camera at tila kinumpirma rin niya na umano'y kamukha niya ang kanyang apo.

$ads={2}

"Tapos artista pa, marunong sa camera. Flirting with the camera. Sabi ko may pinagmanahan. Kaliwete pa, parang si Momsy. Curly hair pa parang si Momsy. Sabi ko, oh my God artista ang apo ko," kwento ni Vilma 


Si Vilma Santos, kilala rin bilang "Ate Vi," ay isang iconic na Filipina actress, producer, at public servant. Ipinanganak noong Nobyembre 3, 1953, siya ay kinikilala sa kanyang mahabang karera sa showbiz. Naging preeminent actress si Vilma sa Pilipinas, naging bahagi ng maraming pelikulang nagtagumpay at nakuha ang maraming parangal. Matapos ang kanyang tagumpay sa showbiz, nagsilbi siyang gobernador ng Batangas at naging isang respected na public servant. Isa si Vilma Santos sa mga hinahangaan at iginagalang na personalidad sa industriya ng showbiz at pulitika sa Pilipinas, at isa sa mga modelo ng pagiging boses ng pagbabago sa lipunan.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form