Ogie Diaz naglabas ng saloobin sa mga deleted post ng ama ni Liza Soberano

 


Naglabas ng si Ogie Diaz hinggil sa post ng ama ni Liza Soberano na deleted na ngayon na kung saan makikita sa naturang post na minura sila ni Cristy Fermin ng ama ni Liza.

$ads={1}

Kaya sabi ni Ogie: "'Pinakialaman namin buhay niyo Daddy recently? Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay 'yung pagtatapos ng relasyon ng Kathniel. Asan ka doon? Asan ang anak mo 'dun? Ikaw magsabi asaan?" 

Makikita rin sa deleted post ang pagbabanta ng ama ni Liza kay Ogie na umanoy magla-live ito ngunit hindi naman natuloy.

"Ba't siya magla-live, ito nga binura niya e. 'yung kanyang announcement na siya ay magla-live. Ako wala akong dapat ikatakot kung anoman 'yang ila-live mo. Hihintayin ko yung pagla-live mo Daddy John at intayin mo rin 'yung aking sagot sa magiging live mo... 'Dun lang ako dedepende." sabi ni Ogie 

$ads={2}

Nagbigay naman ng mensahe si Ogie sa ama ni Liza na sana raw ay pag-usapan nalang nila kung ano man ang mga hinaing nito.

"Diyos ko Daddy, ang dali mo namang makalimot. Mag-iisa-isa ba tayo, mag-e-enumerate ba tayo ng nagawa nating kabayanihan sa isa't isa? Gusto mo ba ganun? Edi isama mo yan sa life mo. Di naman ikaw ang nakatrabaho ko. 'Di naman ikaw yung inalagaan ko. Unang-una daddy, gusto ko kayong ibalik sa nakaraan... Si Liza lang talaga ang nagtaguyod sa inyo. Ikikwento ko pa ba 'yung mga sinabi ni Liza noong araw?" sabi ni Ogie  

Dagdag pa niya: "Ni hindi ka nga marunong magpasalamat. I'm sure nakakarating naman sayo 'yung pagusporta namin sa pelikula ni Liza kahit wala na sa akin. Minsan sinusumbat ko yun pero para maggaganito ka, aba! sandali lang. Marami kaming nasasabi na magaganda tungkol kay Liza, ano? May post ka ba ng pasasalamat? Daddy 'wag ako. Kasi kung may alam ka tungkol sa'kin, mas marami akong alam tungkol sa'yo. Kung gusto mo lang na magbulatlatan tayo dito." 

"Kung gusto mo akong kausapin Daddy, pwede mo akong kausapin. Bakit ang hindi? Open na open ang aking linya ng komunikasyon. Kung may mga sama ka ng loob sa akin, sabihin mo. Baka malay mo nga tama ka. Edi ihingi ko ng sorry. Kung hindi naman, at wala kang punto sa mga kinukuda mo, sandali lang. O 'di marami akong lilinawin sa'yo."sabi pa nito 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form