Annabelle Rama sobrang affected sa nangyari sa kanyang manugang: "para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo!"

 

Annabelle Rama sobrang affected sa nangyari sa kanyang manugang: "para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo!" (Photo Courtesy: @annabelleramaig/Instagram)

Sobrang affected si Annabelle Rama sa sinapit ng kanyang manugang na si Alexa. Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Annabelle ang larawan ni Alexa at aniya hindi raw siya makapaniwala sa nangyari sa kanya.

$ads={1}

"Sorry Alexa ngayun lang ako nag comment sayu kasi sobrang affected ako sa nanyari sayu. Hindi parin ako makapaniwala." sabi ni Annabelle

Aniya pa, sobrang bait raw na manugang si Alexa: "Kasi ang bait bait mong manugang at sobrang masinop sa asawa at mga anak mo. Matagal kang nakatira sa akin, gf/bf palang kayu ni elvis hanggang sa ikasal at magkaanak kayu ay magkasama parin tayu sa bahay kaya para na talaga kitang tunay na anak. Alam mong hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero alam kong alam mo na mahal kita na parang anak ko na."

$ads={2}

Naniniwala naman si Annabelle na gagaling si Alexa: "Kaya alam kong gagaling ka. Habang pinapatex ko ito hindi ko mapigilan umiyak. I love you Alexa! Don't worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo!"

Ayon pa kay Annabelle sila na raw bahala sa mga bata habang nagpapagaling ang kanyang manugang: "huwag kang mag alala sa mga bata. Nanditu kami ni eddie para subay-bayan ang mga anak mo habang nag papagaling kapa. Pinagdasal kita everday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery."

Hindi naman idinetalye ni Annabelle kung ano ang sakit nito.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form