Cristy Fermin naglabas ng saloobin matapos ma-link si Barbie Imperial kay Richard Gutierrez

 

Photo Courtesy: @msbarbieimperial,@richardgutz/instagram

Naglabas ng kanyang saloobin si Cristy Fermin matapos malink si Barbie Imperial sa actor na si Richard Gutierrez.

$ads={1}

Sa isang episode ng "Showbiz Now Na" ay inihayag ni Fermin na umanoy naawa siya kay Barbie matapos itong madawit sa issue ni Richard.

"Sa isang banda, ako'y naaawa naman kay Barbie imperial. Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard," sabi ni Fermin

$ads={2}

 "Nagkatagpo lang sila, nagkataon lamang po 'yun na nagkita sila sa isang bar. Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po 'yun, OA na po yun to the highest degree. Nagkita lamang po sila sa isang bar at dahil konektado sa hiwalayan si Richard kay Sarah, natural doon na-focus ang atensyon ng mga naroon," dagdag pa nito. 

Ayon pa kay Fermin: "Hindi po natin dapat na husgahan at maliitin si Barbie Imperial. Unang-una, wala po siyang kasalanan dito. at hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez. Wala pong ganun." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form