Deborah Sun isinugod sa ospital matapos maaksidente sa set ng Batang Quiapo

 

Deborah Sun isinugod sa ospital matapos maaksidente sa set ng Batang Quiapo (Photo Courtesy: Bandera)

Isinugod sa ospital ang actress na si Deborah Sun matapos itong maaksident sa set ng Batang Quiapo. Nasosob kasi si Deborah sa habolan scene ng nasabing teleserye. 

$ads={1}

Ayon pa sa ulat ng Abante sinabi raw ng manager ni Deborah na baka operahan daw at lagyan ng bakal dahil bukod sa mukha ay pati ang braso nito hanggang balikat ay namaga. 

Samantala ayon sa ulat ng Bandera, nagpapasalamat si Deborah sa mga tumulong sa kanya.

“paabot mo ang pasasalamat ko kay Sen.Lito Lapid sa tulong na pinadala niya sa akin. Kay Ara Mina, Lorna Tolentino, and Tito Phillip Salvador na sobrang silang nag-aalala sa akin. Maya’t maya text ng text at tawag ng tawag kinakamusta ang kalagayan ko."sabi ni Deborah

$ads={2}

“And s’yempre sobrang din nagpapasalamat ako kay Direk Coco Martin at ABS na hindi nila ako pinababayaan. Sagot nila lahat ang gastos dito sa hospital. Tawag nga din ng tawag iyon field cashier ni Direk Coco at kinakamusta at kung ano daw kailangan text or tawag agad sa kanila. Salamat talaga sa kanila.” dagdag pa nito

Wala namang sinisi si Deborah sa nangyari dahil aniya isa lang itong aksidente. Last taping day na iyon ng actress dahil pin**ay na siya sa nasabing teleserye.

@abantenews Naaksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’ si Deborah Sun kung saan nadapa ito at tumama mukha sa sahig. #Teletabloid #EntertainmentNewsPH #AnythingGoes #DeborahSun #BatangQuiapo #CocoMartin #fyp #viral ♬ original sound - Abante News

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form