Ian Veneracion binasag na ang katahimikan sa viral na post tungkol sa kanyang Talent Fee

 

Photo Courtesy: @ianveneracion1/instagram

Binasag narin sa wakas ni Ian Veneracion ang kanyang katahimikan matapos magviral ang post tungkol sa kanyang Talent Fee na umanoy tig-500k sa loob ng dalawang oras at pag lumagpas umano ay 100k na bawat oras.

$ads={1}

Sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi nito na umanoy naka-usap niya si Ian at biniro pa raw niya ito na kung bakit mababa lang ang kanyang talent fee.

"Oo nga pare e, parang ang mura na nga e, pero wala naman silang ganung budget" sabi ni Ian kay Ogie 

 "Oo nga e, 'di ko naman alam kung anong galit sa akin. Pero at the end of the day, ang daming nag-iinquire sa amin ngayon,"dagdag pa nito 

$ads={2}

Samantala, ibinahagi naman ni Ogie kung bakit hindi pwede isapubliko ang kagaya ng issue kay Ian: "'Pag nakikipag-deal po tayo, 'yung mga promoter, yung mga kukuha ng artista. Wala ho tayong karapatang mag-post ng ating mga saloobin tungkol sa paano nakipag-deal sa atin. Kasi siyempre, 'pag pinost niyo yan, sino pang magtitiwala sa inyo 'pag nag-inquire kayo? Tiyak yan, hihina ang trabaho mo, hihina ang raket mo kasi madaldal ka pala. Kasi dinadaldal mo. 'Di ka mapagkakatiwalaan." 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form