Ogie Diaz naglabas ng saloobin matapos ipost pa ng isang scripwiter ang TF ni Ian Veneracion

 

Photo Courtesy: @ianveneracion1,@ogie_diaz/instagram

Naglabas ng saloobin ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa nagviral na post ng isang scriptwiter na si Ronaldo C. Carballo tungkol sa talent fee ni Ian Veneracion na umanoy tig 500k sa dalawang oras at 100k bawat oras kung lalagpas ito.

$ads={1}

"Nakakalokah yung hindi mo lang kinaya yung presyo ni Ian Veneracion na 500k for 2 hours na parada, ipo-post na sa facebook?  Juice ko, ang simple lang ng argumento -- kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin.  Humanap ng iba."sabi ni Ogie 

Ayon pa kay Ogie kahit ilang milyon pa raw ang presyo ni Ian ay karapatan niya yun.

"Kahit isang milyon pa ang ipresyo ni Ian, karapatan niya yon.  Deal nila 'yon. Kung paanong karapatan din ng mga promoter or producer kung kukunin nila o hahanap ng iba."sabi ni Ogie

$ads={2}

"So paano kung ang presyo ng management ni Ian ay 200k lang, ano, ipo-post din nila na "Ambait-bait ni Ian.  Pumayag siya sa 200k." Na hindi rin para i-post." dagdag pa nito 

Nagbigay rin ng advice si Ogie sa nagpost: "Saka kayo mag-post kung me kontrata na, pero hindi sinipot nu'ng tao.  Juice ko, pag nangyari 'yon, baka tulungan ko pa kayong i-bash si Ian!"

"Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, "Wala po akong kinalaman diyan.  Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko," tae este, talo na kayo." dagdag pa nito 

Nagpasalamat din si Ogie sa mga netizens na umanoy naka-intindi: "Pero thank you sa mga netizen na nakakaintindi ng trabaho ng mga totoong promoter na sumusunod sa strict confidentiality. Habang 'yung iba, mangmang."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form