Ogie Diaz nagreact na matapos maispatag magkasama sina Barbie Imperial at Richard Gutierez

 

Photo Credits: @richardgutz,@msbarbieimperial/instagram

Naglabas na ng kanyang saloobin si Ogie Diaz patungkol sa nagviral na picture nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez kamakailan na kung saan spotted ang dalawa na magkasama sa isang bar.

$ads={1}

Sa kanyang showbiz update vlog ay ibinahagi ni Ogie ang umanoy sinabi ng kanyang source na kung saan pinabulaan at ipinaliwanag ang kwento tungkol sa naturang larawan.

"'Yung totoo niyan, si Barbie Imperial, ay isa sa mga shareholders ng Tipsypig. So ang may share si Barbie ay sa Tipsypig Timog, Qc at doon sa Alabang. So bilang siya ay isa sa mga may-ari ay may obligasyon 'yung mga may-ari na pumunta sa kanilang mga negosyo para mag-entertain ng mga bisita. Para magpakita sa mga bisita na 'yun ay puntahan ng mga artista,"kwento ni Ogie 

"Nagkataon lang na kaibigan ni Richard 'yung lahat ng may-ari ng Tipsypig. Parang apat na tables yun," sabi pa ng komedyante 

$ads={2}

"So 'nung naupo siya kay Barbie. Nakunan ng picture. Alam mo kahit sino pang babae 'yan ah. Lalo na kung ang lalake o yung babae na involve sa isang relasyon, sa isang hiwalayan, tiyak na tututukan ng mga Marites kung sino yung next na makakasama nila."aniya pa  

"Nagkatabi lang sila for how many minutes daw doon sa table as per my source, sandali lang yun syempre... lahat ng mga camera sa cellphone e nag-video, nag-picture. 'Di ba? Pero hindi nila alam 'yung mga nangyayari doon. Na merong selebrasyon, na dumiretso pa si Barbie sa Poblacion. Grineet niya yung ibang mga friends, staff doon sa Poblacion. Parang post Christmas party niya. Pero wala na 'dun si Richard kasi nag-uwian na sila dahil si Richard, naka-motor. So karamihan ng mga bisita, naka-motor lang,"dagdag pa nito 

Narito ang kabuuang vlog ni Ogie Diaz:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form