Anak ni Vhong Navarro nakatanggap umano ng hindi magandang komento kasunod ng pagpasok nito sa Batang Quiapo

 

Photo Courtesy: @yceking,@vhongx44/instagram

Nakatanggap di umano ng hindi magandang komento ang anak ni Vhong Navarro na si Yce Navarro kasunod ng pagpasok nito sa hit series na Batang Quiapo.

$ads={1}

Ito ang isa sa natalakay ng Showbiz Insider na si Jobert Sucaldito sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Lunes, Pebrero 29.

Paglalahad ni Jobert: "Some of the netizens are so cruel. Kumbaga nilalait nila ‘yong bata. Nilait nila ‘yong mukha ni Yce. Kamukha raw ni Vhong. Hindi mukhang artista.

“Pero, my God, tingnan n’yo naman ‘yong mukha ng bata. In fairness naman sa kaniya, he has the looks. Gwapo ‘yong bata. May not be as gwapo as Gabby Concepcion pero may sarili siyang kagwapuhan.

$ads={2}

"Huwag kalimutang ang nanay ng batang ito ay ang napakagandang si Bianca Lapus. Si Vhong Navarro may not be handsome as an actor. But, you know, ang entrance naman niya sa showbiz ay via pagsasayaw sa Streetboys.”

Sa mga hindi nakaka-alam ang Streetboys ay isang filipino dance group noong dekada 90 na kinabibilangan ni Vhong. Ang naturang dance group ay nadiscover ng direktor na si Chito Rono.

Kaya naman ayon kay Jobert ay naawa siya kay Yce na gusto lang naman maging isang artista. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form